Opinion on Issues

Just another WordPress.com weblog

Reply to Ella’s Addendum

leave a comment »

From Ella’s Blog, read Friday, Feb 12, 2010 9:40

Addendum ulit:

Opiniononissues ulit:Joskohnaman, dong… or dang? Pakialam mo kung magdagdag ako sa original post ko? At least nagdagdag ako sa sa site ko… na DATI na. TATLONG taon na!

Err, take a deep breath. What I’m trying to say here is the reply I posted was drafted to address your original blog entry. It was what I read first, you addressed it to me, so I replied to it.

You said:

Hindi katulad mo, biglang nagtayo ng blog, nagkukumahog na, kandarapa pa. Sobrang emergency ba para maka-rebuttal ka at ipakita kay Marocharim? Sa WP.com, it takes about a minute and voila! Instant blog! Grabe, nakakatawa ito masyado, kulang ang lol smiley.

note: I heart Marocharim, sobra (Winner, Best Commentary Blog, Philippine Blog Awards 2009) Ang galing-galing niya. Pumalakpak talaga ako sa ending eh. Basahin ‘nyo yung sagot niya kay opinionblahblah. Sana kasing-galing niya akong magsulat *sobrang inggit*)

Let me address this and please stop the tirade for a while and listen.

I submitted my reply to your site yesterday morning.

Lunch time came, no signs of the comment’s approval.

There were revisions like you replacing the title: To OpiniononIssues: , you claiming that the MO is familiar, you scratching out the word panties and a bit of edits here and there that would take longer than pushing the approval button. I saw the revisions on your site and 2 other comments that were approved thereafter but still, no signs of the reply I sent to you on your blog.

You were able to revise and edit some of the points I zoomed in on my reply to you, so I thought you may have had time to approve my comment.

I crossed my fingers, hoping you would allow it to be posted.

Comments were piling up but my reply wasn’t visible anywhere in the list of those approved.

I’ve been reading a lot about you not approving comments and yes, i thought, it may be a possibility that it won’t get posted. Though it veers away from my idea of fair play and balanced discussion, yes, i understand that it’s your call and whatever you wish to do as regards comments approval, it will all be up to you.

You have been dissecting me and my post in your blog though, putting meaning to my entry that was never my intention in the first place, so I thought my reply deserves to be read as well.

You do not expect that you can go on bashing people,  basing everything on your assumptions, yet deny them the right to be heard, too, do you?

I agree  it was only yesterday I posted an entry but that was because I never intended to set up a blog to address your issues here in the first place.

I have now, though, because you denied me the right to be heard in your web space.

You addressed your post to me, devoted one blog entry to me yet when I replied to address your aspersions, you did not allow it to be shown.

You expect to continue bashing me, dissecting my reply, posting your interpretations for the world to see, yet you wonder why I need to set up a blog where I can post my explanation?

I have to post the earlier drafted reply so I can answer you point by point on your malicious, out of this world imputations.

I never planned to set up a blog.

This blog has been registered days or maybe even a week before this entry was posted. I only registered it because some sites required that I log in when I post my comments. I tried to register but I wasn’t able to actually use this account.

Till it came handy when you chose not to post my reply.

Yes, naisip ko i-post na lang dito yung reply ko sa yo. Tutal ayaw mo naman ako makapa-explain sa site mo.

Hindi ako nagkandarapa as you put it para maka-rebuttal at ipakita kay Marocharim. That’s a lot of accusations in one statement.

Ilang days na naka-register ang blog, wala sana ako balak gamitin for posting purposes.

Yung rebuttal na sinasabi mo, my reply, umaga pa tapos na yun. Inantay ko lang approval sa site mo.

Lunch time, wala.

Gabi, wala.

Maghahatinggabi, wala.

Ganun ba yung nagkakandarapa? Nag-antay pa na magbago ang isip mo?

Nagkakandarapang ipakita kay Marocharim?

Bakit ako magkakandarapang ipakita sa kanya?

Saka why are you zooming in on him, specifically?

Sino si Marocharim? (Pardon me, Marochim. In case the question gets taken out of context again, I am just stating that you shouldn’t be singled out. There’s no reason for you to be. I have no reason whatsoever to do that because I do not know you personally and I had no idea about you or your site prior to the DSWD-Ella issue.)

Ano ba yung meron Ella para yun na naman ang isipin mo?

Note that you indicated in your comments the sites where i posted. Therefore, sa mga sites na yun din ako nag-post ng link na reply ko sa yo since yung comment ko dun yung inaddress mo.

Di ko alam ba’t nilalagyan mo lagpas-lagpasang interpretation lahat.

You said:

O wag ka nang magtangkang mag-deny, opinionblahblah, na-screenshot ko na rin ang blog mo. Ang byuti ko lang ang post mo as of NOW, ako lang ang nasa archive mo, nag-iisa, unika iha, one and only, first and last love mo hehe.

Ba’t ako magdedeny, eh totoo namang yung reply ko lang sa yo yung naka-post dito. In-explain ko na sa taas kung bakit.

Saka kelangan din naman siguro kitang sagutin. Masyadong marami ka nang idinadamay and kung pababayaan ko lang na paniwalaan ng tao yung sinasabi mo, hindi naman ata tama yun. Lalo lang magkakagulo. Yun ba yung gusto mo? Kaya nga pinapaliwanag ko sa reply ko yung maling akala mo, ayaw mo naman makita ng ibang tao. Post ka naman ng post ng mga akusasyon and mga kung anu anong pagdududa mo. Di mo na nga tinitigil, dinadagdagan mo pa ng dinadagdagan ang akusasyon mo.

Siguro naman, nararapat ding ipaliwanag ko na mali ang mga hinala’t akusasyon mo.

You said:

Shet sayang, hahangaan na sana kita kasi galing mo ring mag-Inglis. Pero mahina ka sa planning eh. You did not foresee this, aminin mo na! Dapat noon ka pa nagtayo ng blog, mga two weeks ago siguro, puwede na, para hindi ka nabibistong astroturfing (PR-speak) aka trolling (net-speak)

Alin and di ko na-foresee? Alin ang aaminin ko? Planado ba lahat ng to? Mahina sa planning, ibig sabihin nagplano?

Aba, di ko yata makita yung logic bakit kelangan ko pagplanuhan ang pagsagot sa blog. Pinagpaplanuhan ba yung concern? Yung mababasa mong magkakarun ka ng interes o di kaya’y makita mong isyung nararapat tutukan?

Nabasa ko lang yung balita sa inquirer about a govt. official supposedly harassing a blogger. Nagbasa-basa ako. Halos yung mga nakikita ko panlalait o masasamang salita tungkol sa Secretary and sa DSWD. Nung binasa ko naman yung mga diskusyon and analysis nung ibang pinagsikapang alamin yung katotohanan dito, mukhang maayos naman yung mga sagot at gawain ng mga nasabing taong gobyerno.

Nung nagbasa-basa pa ako sa mga comments and forum, napansin ko na medyo mainit yung mga ibang blogger sa mga taong gobyerno. Yung parang naging laban na tuloy, blogging world vs. govt. official, nawala na sa pinaka-isyu.

Nabasa ko rin na may mga Congressmen na napasali na din. Nalaman ko pa na ini-equate na ng karamihan sa pagkawala ng freedom of expression and freedom of speech yung pagfa-file ng kaso sa yo.

Whatever your take is, I respect that pero sa kin kasi, my take is: wag tayung padalus-dalos. Wag natin gamitin yung isang kasong ni hindi pa nga napagdedesisyunan para maging battlecry ng freedom of speech, freedom of expression or internet freedom.

Yun lang namn yung concern ko, yung pantay at mabusising pag-aaral sa isyung ito. Yung pagtutok sa tunay na isyu.

Di ako kelangang bayaran para makabuo rin ako ng sarili kong opinyon.

May mga bagay na di pinagpaplanuhan, lalu-t lalo kung wala ka namang intensyong makaapak kaninuman.

Again, gusto ko lang lumabas katotohanan. Nadiskubre ko lang na hindi lang pala si Sec. Cabral yung sinasabi na makapangyarihan dahil sa posisyon nyang co-terminus and mawawala din naman. Ikaw din pala makapangyarihan kung media o internet o mundo ng blogging ang pag-uusapan. So inisip ko lang na siguro, tigilan na natin yung pag-aakusa kung kani-kanino na gamit ang isyu ng anumang kapangyarihan na yan.

Di ba kung ikaw ang aakusahan ng harassment o bullying dahil marami kang koneksyon sa media, mas lalo na sa mundo ng blogging, ayaw mo yun?

Naisip ko lang na in the same manner, di rin dapat akusahan ng iba si Sec. Cabral na gumagamit ng kapangyarihan sa pangha-harass at pambu-bully dahil lang sa rason na nasa posisyon sya.

Generalization yun na matatawag. Hindi lahat ng taong nasa posisyon, may masamang intensyon.

Hindi ko rin sinasabi yung kabalintunaan ng pahayag na yun dahil wala akong sapat na basehan para magsalita ng laban o kampi sa pagkatao nya.

Yung nakikita ko lang sigurong punto eh na tama na yung patutsadahan na low-blow matatawag.

Di naman kasi yun yung issue. Nada-divert lang mga tao sa talagang punto.

Nagagamit lang yung issue para pati yung critical na topic like freedom of speech and freedom of expression mas lalong lumabo.

Kung nababasa mo nga yung iba kong blog posts sa ibang sites kagaya ng sinasabi mo (oo, ako din si weighingmatters), makikita mo dun na yung sinasabi ko lang, tumutok na lang kaming mga miron sa punto ng responsible blogging and iwasan namin yung atakeng balahuraan.

Hindi naman kasi tamang sasabihin natin na dahil me posisyon at koneksyon, pag klinaro ninuman yung pangalan nya at ng opisinang pinapanguluhan nya, awtomatiko, me maitim na syang motibo. Nakita ko naman sa pag-aaral ko ng isyu na ikaw din pala marami ding koneksyon sa media at sa mundo ng internet na pwedeng magsalita para sa yo. Pero nakita mo bang inakusa kita na naghaharass ka din? Nakita mo bang me nilagay ako na opinyon dun na sinabi ko na nambubully ka din? Wala. Kasi alam kong mali na magtapon ng akusasyon kahit kaninuman.

Sabi nga nung comments sa site mo:

Kutitap Reply:

February 11th, 2010 at 10:50 pm

Naku, nag-mamala-nuno sa punso itong si Opiniononissues… Sa internet-speak, troll baga. Ang sakit sa bangs… Ahahaha!

Naisip ko tuloy, bakit ba ganon nlng ang dedication nya na mag-research?

Isa pa, mukhang intensive naman ang pagkakasaliksik nya. Subalit, datapwat, ngunit, alalaong-baga… bakit mukhang nahilaw ang conclusion? Manibalang pa, hininog sa pilit.

..and:

Para namang ang hasty ng conclusion ni opiniononissues. Talagang pinipilit na iconnect ang mga bagay na may gap pa din kahit pagdugtungin.

..ang sagot mo naman:

Hi Kutitap,

Kulang yata sa prep time…

Here’s my explanation kutitap:

Nahilaw ang conclusion, sabi mo. Hindi nahilaw, wala talaga. Ayokong maglagay ng opinyon dun.

Hindi ko isinama ang opinyon ko sa post na sinubmit ko sa ibang sites, kasi ayokong i-impose ang opinion ko sa iba.

Nag-research lang ako, sa tingin ko maidadagdag yung mga detalyeng yun sa pwedeng timbangin nung mga concerned sa issue, i shared it with the sites which are focusing on this topic. Naniniwala kasi ako na kaya naman mag-isip ng iba, na marunong din tumimbang yung iba. Kung anuman opinyon nila, as long as yung detalye ng iba-ibang eh sides nakikita nila, mas makakatulong yun.

Kutitap said:

Para namang ang hasty ng conclusion ni opiniononissues. Talagang pinipilit na iconnect ang mga bagay na may gap pa din kahit pagdugtungin.

 

Again, wala akong ginawang conclusion dun. Wala akong balak gawan ng conclusion yun. Wala akong pilit ikinu-connect.

Hindi ako si Ella, hindi ako si Cabral, hindi ako yung court na me sapat na impormasyon sa iba’t ibang aspeto ng issue na to. Yung kaya ko lang gawin pag-aralan yung isyu at mga detalyeng makakatulong para matimbang  ng maayos yung sitwasyon.

Kaya nga yung mga post ko sa ibang blog eh sinasabi kong wala akong karapatan o sapat na kaalaman para magsalita about the DSWD-Ella case eh.

Yung pwede ko lang pagtuunan, yung mga general issues na pinipilit i-confuse and i-infuse sa issue na to: blogging world vs. govt. official, harassment of a blogger, bullying of a blogger, excesssive use of power, responsible blogging, freedom of speech, freedom of expression… Sabi ko nga masyadong malawak and critical yung mga isyung to and magiging myopic yung tingin natin kung gagawin nating synonymous yun sa merits ng kasong DSWD-Ella.

You said:

Teka, teka ulit, bigla ko ‘tong naisip. ‘Yung sinabi ko sa itaas na “PUT UP or SHUT UP, hindi ibig sabihin nun eh PUT UP A BLOG! nyahahahaha! Ooowned!

Baka nga talagang hindi lang tayo magkaintindihan.

Baka nga nilalagyan mo ng interpretasyon yung mga bagay na dapat eh hindi naman.

Pero sige dahil mukhang nag-eenjoy ka naman, hahayaan na lang kita basta’t alam ko naman kung ano ang katotohanan.

Advertisements

Written by issuesopinions

Fri, 12 Feb 2010 06:24:44 +0000 at 6:24 am

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: