Opinion on Issues

Just another WordPress.com weblog

To the one who’s being accused of supposedly paying me…

leave a comment »

I think kelangan ko ‘to sabihin in consideration of the person na pagdududahan na syang pinapatamaan na “nagbabayad” daw sa kin. Paid daw kasi yung mga posts ko eh.

To quote from Ms. Ella:

…para hindi ka nabibistong astroturfing (PR-speak) aka trolling (net-speak)

Astroturfing
– the act of PR agencies placing blog and online forum messages for their clients, in the guise of a normal “grassroots” user or comment.

– posting paid opinion pieces to public forums under an assumed name. Astro Turf is fake grass, hence the term.

Sorry po sa sinumang pagdududahan dahil sa akusasyong nakadirekta sa akin. Dahil me akusasyong binabayaran daw ako, yung kasunod na hinuha dun me nagbabayad supposedly.
Hindi ko alam kung san pinagkukuha ni Ella mga ideya nya, ayokong patulan mga paninira nya pero I think I owe it to you, nonexistent you may be, so I can clarify the answer to this accusation.

Sorry at pinaako ka ng bagay na wala ka namang kaalam-alam (parehas tayo, wala din akong kaalam-alam). Kakausapin ko po si Ella dito. Sasagutin ko tong  pagpapaduda nya.

Ella:

Sinabi ko na to. May mga taong pwedeng concerned lang talaga. Kung nagtyatyaga man sila pag-aralan yung isyu kasi alam nila yung responsibilidad na nakaakibat sa anumang salitang binibitawan nila. Pwedeng interesado sila sa pinag-uusapan, importante sa kanila yung pinag-uusapan, gusto rin nilang makipagtalastasan pero gusto nila gawin to sa maayos at masusing pamamaraan.

Pinagsisikapan kong maging isa sa mga responsableng taong tulad nila. Kung pagre-research lang ang magagawa ko, eh di yun yung gagawin ko. Kung me mga taong magtyatyagang magtanong at makinig sa opinyon ko, eh di sige makakipagpalitan ako ng kuru kuro. Pero habang di naman kelangan ang opinyon ko sa ilang bagay, sapat na sa kin na tumulong pag aralan yung mga iba’t ibang aspeto ng isyung pinag-uusapan.

Wala akong maalalang binira kita sa kahit alinmang post ko. Palagi kong sinasabi na yung isyu mo and Cabral, sa inyo yun, yung korte na bahala mag-usap sa isyu nyo. Palagi kong sinasabi na yung concerned ako eh yung kung papano dinidefine ng iba yung freedom of expression and speech everytime they set your case as an issue… Sinabi ko rin na hindi yata tamang pinagsasabong si Cabral at yung blogging world dahil labas naman yun sa isyu, pabigla-biglang paglalahat na yun.

Sa pakikipagtalastasan ko sa ibang site, sinabi ko na hindi dapat i-incite yung galit ng iba, i-stoke yung fire nila, sulsulan kumbaga na laban ito ng gobyerno at mundo ng blogging, david vs. goliath, makapangyarihan vs. walang kapangyarihan kasi hindi naman tamang ganun yung palabasin ninuman. Is it about somebody powerful preying on a hapless blogger? Hindi naman ata. Pareho naman kayong me koneksyon at me kapangyarihan.

In the post you referred to, I never formed any conclusion nor pushed any opinion. Mga detalye lang yun na tingin ko me relevance sa pinagdidiskusyunang isyu so makakatulong yun sa pagtitimbang ng mga tao sa iba ibang aspeto ng pag aanalisa nito.

Sa akin, yung naging epekto nung pagkakita ko ng mga impormasyong yun, naisip ko and mas lalong lumakas yung opinyon ko na: hindi naman dapat pala talaga palabasin na laban to ng makapangyarihan o walang kapangyarihan, na pangha-harass to ng may koneksyon sa taong wala, na simpleng pangbubu-bully lang yung isyu and hindi paghahanp ng katarungan at katotohanan. Pareho naman kayo me koneksyon, pareho naman kayo me posisyon na me kakambal na power sa kanya kanyang larangan, eh bakit yun pa yung slant na dapat tutukan?

Naisip ko baka hindi naman intensyon ng iba na yun yung palabasin, baka lang kelangan lang ng dagdag na panahon, dagdag na pag-aaral. Kung makakatulong yung konting detalye para maging balanse yung usapan ba’t di natin gawin? Ba’t kelangang iiwasan? Nasa net naman lahat. Puwede namang masusing pag-aralan. Wala din naman masama sa mga detalyeng pinag-usapan.

Masama ba na konektado ka sa media? Masama ba na malawak yung koneksyon mo sa blogging and net community?

Hindi naman di ba?

In the same manner siguro na hindi rin naman fair na isipin ko o ninuman na dahil konektado si Cabral sa gobyerno, automatic eh bully na sya, nangha-harass na sya, ginagamit na nya posisyon nya para mang-ipit ng iba.

Yun lang naman opinyon ko. Ni hindi ko na nga sinama sa post ko kasi wala naman ako balak i-impose kaninuman.

Just trust that people too have a mind of their own. Allow them to think for themselves, form responsible opinions of their own. Naniniwala naman kasi ako na kung presented naman yung facts and details ng maayos sa kaninuman, lahat naman siguro gugustuhing maging balanse sila sa pagtitimbang.

I am one of those na nagta-try maging fair sa paraang alam ko, sa paraang makakayanan ko. Walang nagbabayad sa kin, hindi kailangang bayaran pa ako para magkarun din ako ng interes o concern sa mga bagay na me kabuluhan.

Kawawa din naman kasi yung taong mapagkakamalan ng iba na nagbabayad supposedly when in fact, hindi naman talaga.

Kahit para sa kanya na lang, kaya sinagot ko tong particular na accusation na to.

Sa akin, ano naman, hindi naman kasi talaga totoo, eh.

Nasa sa iyo na lang kung anong gusto mong isipin.

Advertisements

Written by issuesopinions

Fri, 12 Feb 2010 06:29:36 +0000 at 6:29 am

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: