Opinion on Issues

Just another WordPress.com weblog

On “Please stop stalking me”…

leave a comment »

From Ella’s blog:

Please stop stalking me. Istorbo kasi eh. Para patas, I promise I will totally ignore you from now on. Deal?

 

Definition of stalker:

stalker
SC someone who follows and watches another PERSON over a period of time in a way that is very annoying or threatening
http://www.ldoceonline.com/Crime+and+Law-topic/stalker

 

Ako ba yung  nangs-stalk?

 Let’s look at this:

 

Sequence of events from your end:

Una, nag-post ka addressing me, and I quote:

I’m not sure what to call you, isang netizen na kulang sa pansin o mahilig lang makisawsaw. Ikinakalat mo kung saan-saang sites ang template ng rumor mongering mo, na feeling mo ay mga “bomba”. Mga “well researched revelations” na ikagugulat ng mundo.

 Hindi lang sa isang site, lahat ng madaanan mong “kampi” kay ella, iniiwan mo ang basura mo.

 
Ilan ba ang nagpo-post tungkol sa isyung DSWD-Ella?

Sandamukal, di ba?

Sa site mo lang mismo, tadtad na ng comments ang blog mo.

Sa internet, di lang daan, libu-libo.

Andami-daming nagpo-post tungkol sa isyu, tinutukan mo AKO.

Hinanap mo kung saan yung mga sites na nagpo-post ako.

Hinanap mo ako after reading one of my posts.

You devoted a number of blog entries and comments to me.

You projected your suspected intentions on me.

Marami kang sinsasabing mga akusasyon laban sa akin.

Hinayaan mong tira-tirahin ako sa blog mo.

Hindi lang pala hinahayaan, ikaw pa mismo nagdadagdag sa mga akusasyong to.

AKO yung tinutukan mo, hindi yung isyu.

Di ba yun yung stalking?

Yung tinututukan mo kung saan-saan yung TAO mismo?

Yung minu-monitor mo yung TAO kung saan sya napapadpad?

Yung hina-harass mo sya at kinu-cause ng harm ?

If we be technical about it, di ba AKO and sinu-stalk mo?

 

***I’m not saying I do not understand where you’re coming from. I understand that you may have misconstrued my post and my intention of posting that’s why you deliberately tried to find my other posts. Please, as I said in my other posts, just be careful of how you use words. Madalas ka mag-accuse ng tao and kung susumahin, nagbu-boomerang sa yo ang accusations mo. Still I say, I’m trying to understand where you’re coming from.

 

 

Sequence of events from my end:

Nabasa ko yung article sa inquirer stating that a Department Secretary’s harassing a blogger.

Nabasa ko din yung mga iba pang article na nagsasabing me mga solons na dini-discuss yung issue in the light of freedom of speech and freedom of expression.

Me mga nadaanan pa akong articles na dini-discuss na yung blogging freedom at cyber laws.

Napukaw ang interes ko.

Naghanap-hanap na ko ng mga articles na related sa issue.

Napadpad ako sa mga blogs and forum sites na pinag-uusapan ang isyu.

Nakita ko yung mga sentimyento ng mga bloggers at iba pang mga nagkukomento.

Naalarma ako sa nagiging takbo ng kwento.

Napansin kong yung nagiging ingay na eh medyo natututok na sa blogging world vs. govt. official, harassment of a blogger by a govt. official, a miniscule blogger vs. a powerful goliath.

Naisip ko delikado to.

Magkakagulo lang yung mga hindi naman involved sa kaso, malamang ma-tarnish pa lalo ang tingin ng bloggers sa non-bloggers and vice versa.

Mafe-feed din yung disrespect of govt. officials lalo.

Mas mapapalakas ang bias sa may posisyon at me koneksyon, nung mga wala and vice versa. Napapalawak masyado ang epekto, and yung masama nawawala na yung focus sa talagang isyu.

Nag-reply din ako sa isang blog. Tungkol sa pagtutok sa isyu at responsible blogging yung pinag-usapan namin.Tungkol sa harassment yung slant ng blog entry. 

Yung assertion dun, dahil me posisyon se Cabral, yung pag-file ng libel constitutes harassment.

Pinag-aralan ko ang isyu. Nag-research ako. Tiningnan ko yung posts na pinagsimulan ng kwento.

Oo, binasa ko maigi yung post mo. Tiningnan ko kung ano ang basehan ng iba’t ibang komento ng mga tao.

Hinanap ko rin yung article sa Philippine News na ni-refer mo na paglalabasan ng kwento.

Napansin ko yung writer, BLD.

Napansin ko yung unang nabasa ko sa Inquirer na article, yung minention yung sinasabing real name mo JCD.

Naisip ko bakit pareho yung apelyido so ni-research ko yung explanation.

Nakita ko yung mga links, nakita ko yung articles. Nakita kong pareho pala kayo ni Sec. Cabral na me koneksyon, me posisyon sa sari-sariling larangang ginagalawan. Parehong makapangyarihan sa kanya-kanyang larangan.

Note that in all my posts anywhere I said na hindi natin dapat i-assume na dahil me posisyon o me koneksyon yung sinuman, automatic na aabusuhin nya na to, gagamitin na nya para makapang-harass ng tao.

Same take for Sec. Cabral, same take for you.

Note too that I did not include my opinion on the post you referred to. I did not write any conclusion.

Napansin mo yun.

Napansin din ng mga nag-comment sa blog mo.

Talagang walang conclusion. Wala akong intention lagyan yun.

Wala akong intention to impose my thoughts on anyone. My only intention is ma-weigh natin pare-pareho yung isyu kung mapag-aralan natin yung mga detalye ng kwento.

That’s how my thought process went.

That’s what I did.

Yung isyu yung tinutukan ko, hindi ikaw.

Pinag-aralan ko yung articles, pinag-aralan ko yung writers, pinag-aralan ko yung mga affiliations that may determine the veracity to the articles that started it all.

Pagkatapos kung mapag-aralan yung issue, yun na yun.

Hindi ko hinanap lahat ng mga posts mo kagaya ng ginawa mo sa mga posts ko.

Hindi ko alam kung san ka naglalagi sa net samantalang ikaw yung mga sites na binibisita ko eh alam mo.

Mas naglalagi pa nga ako sa ibang blogs na may iba-ibang opinyon sa isyung to nung nabasa ko na ang DSWD post mo.

Hindi ako nag-post sa mga blog ng anything against you.

Wala akong akusasyon laban sa yo.

I did not incite anyone to cast aspersions towards you.

Tapos ako yung ina-accuse mo ng pangs-stalk.

Baliktad ata.

Never kita hinarass.  Ni hindi nga ako nagpo-post sa blog mo after I read about the issue.

Napapadpad na lang ako sa site mo pag nagbabasa-basa ako updates ng mga diskusyon sa ibang websites na binabasa ko. Yun eh dahil naga-appear ka sa google, nag-aapear ka sa ibang sites na binabasa ko, and naga-appear din yung iba sa mga  sites dyan  sa blog mo.

Nung in-address mo na ako sa blog mo mismo, yun dun lang ako nag-attempt mag-post ng reply ko.

Pero hindi na-post sa blog mo, so nagdesisyon na lang ako na sa blog na ito ko na lang i-upload.

Sabi mo nga, mahaba. Mas nababagay siguro na dito ko na lang ilagay.

 

***Sana lang maingat ka sa mga sinasabi mo. Sana bago ka mag-akusa, isipin mo muna na baka ikaw yung gumagawa ng bagay na binabato mo sa iba.

 

On:

…Para patas, I promise I will totally ignore you from now on. Deal?

I hope so.

I hope after I post my reply to your latest entry (again addressed to me), you’d totally stop zooming in on me.

Honestly, I didn’t expect your reactions, your accusations, all the abrasive remarks.

Since it’s already done and over with though and I’m totally ok with you ignoring me, I’m with you on this.

Deal.

Advertisements

Written by issuesopinions

Sat, 13 Feb 2010 21:50:43 +0000 at 9:50 pm

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: